" Wika ng Pagkakaisa"
Ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto sapagkat ito ang buwan ng kapnanganakan ni Manuel L. Quezon (Ika-19 ng Agosto), itinuturing na nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino
"Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay
pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating
mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa
pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating
pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.Ang wika
ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang
nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong
sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang
pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin
ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito,
nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.
Ang importansya upang
lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang
binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon
tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes
hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino" pa rin ang
siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
| Ang Filipino ay wikang panlahat ,ilaw at lakas sa tuwid na landas...ang kahulugan nito ..Tayong mga Filipino ay may kanya kanya mang wika sa bawat lugar, pero itoy baliwala pag ang wikang Filipino na... |